3Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.
4“Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Ngunit ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya.
5Ang totoo, hindi maaasahan ang kayamanan. At ang mga taong mapagmataas na sakim sa kayamanan ay laging balisa at walang kasiyahan. Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento. Kaya binibihag nila ang maraming bansa.
6“Ngunit kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito, ‘Nakakaawa naman kayo, kayong nangunguha ng mga bagay na hindi sa inyo at nagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya. Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin?’
7Biglang dadating ang inyong mga inutangan. Sasalakayin nila kayo at sasamsamin ang lahat ng inyong ari-arian, habang nanginginig kayo sa takot at walang kalaban-laban.