Habakuk 3

magagalak pa rin ako sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagliligtas sa akin.

Habakkuk 3:18 (UKJV) Yet I will rejoice in the LORD, I will joy in the God of my salvation.

16Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod. At dahil sa ipinahayag na ito ng Panginoon, matiyaga kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumalakay sa amin.

17Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihín sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan,

18magagalak pa rin ako sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagliligtas sa akin.

19Ang Makapangyarihang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.