5Darating kayong may dalang mga salot.
6Kapag tumayo kayo ay nayayanig ang mundo, at kapag tumingin kayo ay nanginginig sa takot ang mga bansa at gumuguho ang sinaunang kabundukan at kaburulan. Ang inyong mga pamamaraan ay mananatili magpakailanman.
7Nakita ko ang mga tolda ng Cushan na nasa panganib, at ang mga tahanan sa Midian na naghihinagpis.
8Panginoon, sino ba ang inyong kinapopootan? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Sinalakay ninyo sila gamit ang inyong mga kabayo at mga karwahe na nagbigay sa inyo nang tagumpay.
9Kinuha ninyo ang inyong pana sa lalagyan niya, inihanda ninyo ang inyong mga palaso. Biniyak ninyo ang lupang may mga ilog.