Hageo 1

Sinabi ni Hageo na sugo ng Panginoon sa mga Israelita, “Sinasabi ng Panginoon na kasama ninyo siya.”

Haggai 1:13 (UKJV) Then spoke Haggai the LORD's messenger in the LORD's message unto the people, saying, I am with you, says the LORD.

11Nagpadala ako ng tagtuyot sa lupain at sa mga kabundukan, kaya naapektuhan ang mga butil, alak, langis, at ang iba pang mga ani, maging ang mga tao, at ang kanilang mga hayop at lahat ng kanilang pinaghirapan.”

12At sinunod nga nina Zerubabel na anak ni Selatiel at gobernador ng Juda, ang punong pari na si Josue na anak ni Josadac, at ng lahat ng Israelitang nakabalik sa Israel mula sa pagkabihag sa Babilonia ang sinabi ng Panginoon na kanilang Diyos sa pamamagitan ni Propeta Hageo na kanyang sugo. At nagkaroon ng takot sa Panginoon ang mga tao.

13Sinabi ni Hageo na sugo ng Panginoon sa mga Israelita, “Sinasabi ng Panginoon na kasama ninyo siya.”

14Pinalakas ng Panginoon ang loob nina Zerubabel na anak ni Selatiel at gobernador ng Juda, ang punong pari na si Josue na anak ni Josadac, at ng lahat ng Israelitang nakabalik sa Israel, upang muling itayo ang tahanan ng kanilang Panginoong Diyos na Makapangyarihan.

15Sinimulan nila ang pagtatayo noong ika-dalawampuʼt apat na araw ng ikaanim na buwan, sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario. Sa ikalawang taon ng pamumuno ni Haring Dario,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.