4“Nararapat bang nakatira kayo sa magagandang bahay habang nananatiling wasak ang tahanang ito?”
5Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Pag-isipan ninyo ang mga nangyayari sa inyo.
6Marami kayong inihasik, ngunit kakaunti ang inyong ani. May pagkain nga kayo, ngunit kulang. May inumin nga kayo, pero hindi rin sapat. May damit nga kayo, ngunit giniginaw pa rin. At may tinatanggap kayong suweldo, ngunit parang butas ang pitakang pinaglalagyan ninyo nito.”
7Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Kaya pag-isipan ninyo ang mga nangyayari sa inyo.
8Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang tahanan. Sa ganitong paraan, masisiyahan ako at mapaparangalan,” sabi ng Panginoon.