Hageo 2

Sapagkat noon, kapag pumunta kayo sa mga bunton ng inyong mga trigo na umaasang makakaipon ng mga dalawampung takal, ang nakukuha ninyo ay sampu lang. At kapag pumunta kayo sa pisaan ng inyong ubas na umaasang makakakuha ng limampung galon, ang nakukuha ninyo ay dalawampung galon lang.

Haggai 2:16 (UKJV) Since those days were, when one came to an heap of twenty measures, there were but ten: when one came to the pressfat in order to draw out fifty vessels out of the press, there were but twenty.

14Sinabi ni Hageo, “Ganyan din noon ang mga mamamayan ng Israel, sabi ng Panginoon. Noon anuman ang kanilang mga ginawa at mga inihandog ay marumi sa paningin ng Panginoon.

15“Mula ngayon, isipin ninyong mabuti ang mga nangyari sa inyo bago ninyo umpisahan ang pagtatayo ng templo ng Panginoon.

16Sapagkat noon, kapag pumunta kayo sa mga bunton ng inyong mga trigo na umaasang makakaipon ng mga dalawampung takal, ang nakukuha ninyo ay sampu lang. At kapag pumunta kayo sa pisaan ng inyong ubas na umaasang makakakuha ng limampung galon, ang nakukuha ninyo ay dalawampung galon lang.

17Sinira ng Panginoon ang inyong mga pananim sa pamamagitan ng mainit na hangin, peste, at pagpapaulan ng yelo na parang mga bato, pero hindi pa rin kayo nagbalik-loob sa kanya.

18Ika-dalawampuʼt apat na araw ngayon ng ikasiyam na buwan, at ngayong araw na ito natapos ang pundasyon ng templo ng Panginoon. Tingnan ninyo kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.