Mga Hebreo 10

Kaya sa pamamagitan lang ng minsanang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga hinirang niya.

Hebrews 10:14 (UKJV) For by one offering he has perfected for ever them that are sanctified.

12Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog para sa ating mga kasalanan, at hindi na ito mauulit kailanman. Pagkatapos nito, umupo na siya sa kanan ng Diyos.

13At hinihintay na lang niya ngayon ang panahong mapasuko ng Diyos ang mga kalaban niya at silaʼy maging apakan niya.

14Kaya sa pamamagitan lang ng minsanang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga hinirang niya.

15Ang Banal na Espiritu mismo ang nagpapatotoo tungkol dito. Sapagkat sinabi niya,

16“Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon, sabi ng Panginoon. Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.