Mga Hebreo 10

“Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon, sabi ng Panginoon. Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.”

Hebrews 10:16 (UKJV) This is the covenant that I will make with them after those days, says the Lord, I will put my laws into their hearts, and in their minds will I write them;

14Kaya sa pamamagitan lang ng minsanang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga hinirang niya.

15Ang Banal na Espiritu mismo ang nagpapatotoo tungkol dito. Sapagkat sinabi niya,

16“Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon, sabi ng Panginoon. Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.”

17Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at masasamang gawa nila.”

18At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.