Mga Hebreo 10

Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at masasamang gawa nila.”

Hebrews 10:17 (UKJV) And their sins and iniquities will I remember no more.

15Ang Banal na Espiritu mismo ang nagpapatotoo tungkol dito. Sapagkat sinabi niya,

16“Ganito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa kanila sa darating na panahon, sabi ng Panginoon. Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa puso nila at itatanim ko ang mga ito sa kanilang isipan.”

17Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at masasamang gawa nila.”

18At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.

19Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.