17Dagdag pa niya, “Tuluyan ko nang lilimutin ang mga kasalanan at masasamang gawa nila.”
18At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.
19Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Hesus.
20Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bago at nagbibigay-buhay na daan, at ang daang itoʼy tumatagos sa tabing patungo sa Pinakabanal na Lugar. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan.
21At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Diyos,