Mga Hebreo 11

Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Kristo kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, dahil nakatuon ang kanyang paningin sa gantimpalang inaasam niya.

Hebrews 11:26 (UKJV) Esteeming the reproach of Christ greater riches than the treasures in Egypt: for he had respect unto the recompence of the reward.

24Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesang anak ng Faraon.

25Mas ginusto niyang makibahagi sa paghihirap na dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa lasapin ang mga panandaliang kaligayahan na dulot ng kasalanan.

26Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Kristo kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto, dahil nakatuon ang kanyang paningin sa gantimpalang inaasam niya.

27Dahil sa pananampalataya, iniwan ni Moises ang Ehipto at hindi siya natakot kahit na magalit ang hari sa kanya. Nanindigan siya dahil parang nakita niya ang Diyos na hindi nakikita.

28Dahil sa pananampalataya, sinimulan niya ang pagdaraos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Inutusan niya ang mga Israelita na pahiran ng dugo ng tupa ang mga pintuan nila, upang maligtas ang mga panganay nila sa anghel na papatay sa mga panganay ng mga Ehipsiyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.