Mga Hebreo 11

Dahil sa pananampalataya nila, nilupig nila ang mga kaharian, namahala sila nang may katarungan, at tinanggap nila ang mga ipinangako ng Diyos. Dahil sa pananampalataya nila, hindi sila ginalaw ng mga leon,

Hebrews 11:33 (UKJV) Who through faith subdued kingdoms, wrought righteousness, obtained promises, stopped the mouths of lions.

31Dahil sa pananampalataya, tinulungan ni Rahab na babaeng bayaran ang mga espiya at hindi siya pinatay kasama ng mga kababayan niyang suwail sa Diyos.

32Kailangan ko pa bang magbigay ng maraming halimbawa? Kakapusin ako ng panahon kung iisa-isahin ko pa ang mga ginawa nina Gideon, Barak, Samson, Jefta, David, Samuel, at ng iba pang mga propeta.

33Dahil sa pananampalataya nila, nilupig nila ang mga kaharian, namahala sila nang may katarungan, at tinanggap nila ang mga ipinangako ng Diyos. Dahil sa pananampalataya nila, hindi sila ginalaw ng mga leon,

34hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Diyos. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo.

35May mga babae namang dahil sa pananampalataya ay natanggap ang mga anak nilang muling nabuhay. Ang iba namang sumasampalataya sa Diyos ay pinahirapan hanggang sa mamatay. Tinanggihan nila ang alok na kalayaan kapalit ng pagtalikod nila sa kanilang pananampalataya dahil nalalaman nilang darating ang araw na bubuhayin sila ng Diyos at matatanggap nila ang mas mabuting gantimpala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.