Mga Hebreo 11

May mga babae namang dahil sa pananampalataya ay natanggap ang mga anak nilang muling nabuhay. Ang iba namang sumasampalataya sa Diyos ay pinahirapan hanggang sa mamatay. Tinanggihan nila ang alok na kalayaan kapalit ng pagtalikod nila sa kanilang pananampalataya dahil nalalaman nilang darating ang araw na bubuhayin sila ng Diyos at matatanggap nila ang mas mabuting gantimpala.

Hebrews 11:35 (UKJV) Women received their dead raised to life again: and others were tortured, not accepting deliverance; that they might obtain a better resurrection:

33Dahil sa pananampalataya nila, nilupig nila ang mga kaharian, namahala sila nang may katarungan, at tinanggap nila ang mga ipinangako ng Diyos. Dahil sa pananampalataya nila, hindi sila ginalaw ng mga leon,

34hindi sila napaso sa nagliliyab na apoy, at nakaligtas sila sa kamatayan sa pamamagitan ng espada. Ang iba sa kanilaʼy mahihina, pero pinalakas sila ng Diyos. At naging makapangyarihan sila sa digmaan at nilupig ang mga dayuhang hukbo.

35May mga babae namang dahil sa pananampalataya ay natanggap ang mga anak nilang muling nabuhay. Ang iba namang sumasampalataya sa Diyos ay pinahirapan hanggang sa mamatay. Tinanggihan nila ang alok na kalayaan kapalit ng pagtalikod nila sa kanilang pananampalataya dahil nalalaman nilang darating ang araw na bubuhayin sila ng Diyos at matatanggap nila ang mas mabuting gantimpala.

36Ang iba naman ay dumanas ng mga panlalait at panghahagupit dahil sa pananampalataya nila, at ang iba ay ikinadena at ibinilanggo.

37May mga iba namang pinagbabato hanggang mamatay, may mga nilagari hanggang mahati ang katawan nila, at mayroon ding pinatay sa espada. Ang ilan sa kanila ay nagdamit na lang ng balat ng tupa at kambing. Naranasan nilang maghikahos, usigin at apihin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.