Mga Hebreo 12

Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng seksuwal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espirituwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan.

Hebrews 12:16 (UKJV) Lest there be any fornicator, or profane person, as Esau, who for one morsel of food sold his birthright.

14Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

15Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.

16Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng seksuwal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espirituwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan.

17At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya.

18Ang paglapit nʼyo sa Diyos ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila, ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.