12Kaya palakasin ninyo ang inyong sarili at patibayin ang inyong loob.
13Tuwirin ninyo ang landas na dadaanan ninyo upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na parang napilayan ang pananampalataya, ay hindi matisod kundi lumakas.
14Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.
15Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.
16Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng seksuwal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espirituwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan.