Mga Hebreo 12

Tuwirin ninyo ang landas na dadaanan ninyo upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na parang napilayan ang pananampalataya, ay hindi matisod kundi lumakas.

Hebrews 12:13 (UKJV) And make straight paths for your feet, lest that which is lame be turned out of the way; but let it rather be healed.

11Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.

12Kaya palakasin ninyo ang inyong sarili at patibayin ang inyong loob.

13Tuwirin ninyo ang landas na dadaanan ninyo upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na parang napilayan ang pananampalataya, ay hindi matisod kundi lumakas.

14Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

15Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.