2Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos.
3Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.
4Kung tutuusin, wala pa namang pinapatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan.
5Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya: “Anak, huwag mong isawalang-bahala ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kapag sinasaway ka niya.
6Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak.”