3Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.
4Kung tutuusin, wala pa namang pinapatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan.
5Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya: “Anak, huwag mong isawalang-bahala ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghinaan ng loob kapag sinasaway ka niya.
6Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak.”
7Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama?