Mga Hebreo 13

Sundin nʼyo ang mga namumuno sa inyo at magpasakop kayo sa kanila, dahil sila ang nangangalaga sa espirituwal ninyong kalagayan. At alam nilang may pananagutan sila sa Diyos sa pangangalaga nila sa inyo. Kung susundin nʼyo sila, magiging masaya sila sa pagtupad ng tungkulin nila. Ngunit kung hindi, malulungkot sila, at hindi ito makakatulong sa inyo.

Hebrews 13:17 (UKJV) Obey them that have the rule over you, and submit yourselves: for they watch for your souls, as they that must give account, that they may do it with joy, and not with grief: for that is useless for you.

15Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

16At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba, dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Diyos.

17Sundin nʼyo ang mga namumuno sa inyo at magpasakop kayo sa kanila, dahil sila ang nangangalaga sa espirituwal ninyong kalagayan. At alam nilang may pananagutan sila sa Diyos sa pangangalaga nila sa inyo. Kung susundin nʼyo sila, magiging masaya sila sa pagtupad ng tungkulin nila. Ngunit kung hindi, malulungkot sila, at hindi ito makakatulong sa inyo.

18Ipanalangin nʼyo kami, dahil sigurado kaming malinis ang mga konsensiya namin. Sapagkat hinahangad naming mamuhay nang marangal sa lahat ng bagay.

19At lalo ninyong ipanalangin na makabalik ako sa inyo sa lalong madaling panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.