Mga Hebreo 13

Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.

Hebrews 13:7 (UKJV) Remember them which have the rule over you, who have spoken unto you the word of God: whose faith follow, considering the end of their conversation.

5Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi ko kayo iiwan ni pababayaan man.”

6Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”

7Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.

8Si Hesu-Kristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

9Huwag kayong padadala sa ibaʼt-iba at kung anu-anong mga aral. Mas maiging patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.