Mga Hebreo 13

Huwag kayong padadala sa ibaʼt-iba at kung anu-anong mga aral. Mas maiging patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

Hebrews 13:9 (UKJV) Be not carried about with divers and strange doctrines. For it is a good thing that the heart be established with grace; not with meats, which have not profited them that have been occupied therein.

7Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.

8Si Hesu-Kristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

9Huwag kayong padadala sa ibaʼt-iba at kung anu-anong mga aral. Mas maiging patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

10Tayong mga mananampalataya ay may altar, at walang karapatang makisalo rito ang mga pari ng mga Hudyo na naghahandog sa sambahan nila.

11Sapagkat ang dugo ng mga hayop na handog para sa kasalanan ay dinadala ng punong pari sa Pinakabanal na Lugar, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.