Mga Hebreo 13

Tayong mga mananampalataya ay may altar, at walang karapatang makisalo rito ang mga pari ng mga Hudyo na naghahandog sa sambahan nila.

Hebrews 13:10 (UKJV) We have an altar, whereof they have no right to eat which serve the tabernacle.

8Si Hesu-Kristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

9Huwag kayong padadala sa ibaʼt-iba at kung anu-anong mga aral. Mas maiging patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

10Tayong mga mananampalataya ay may altar, at walang karapatang makisalo rito ang mga pari ng mga Hudyo na naghahandog sa sambahan nila.

11Sapagkat ang dugo ng mga hayop na handog para sa kasalanan ay dinadala ng punong pari sa Pinakabanal na Lugar, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo.

12Ganyan din ang nangyari kay Hesus. Pinatay siya sa labas ng kampo upang malinis niya ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.