Mga Hebreo 3

Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik.”

Hebrews 3:15 (UKJV) While it is said, To day if all of you will hear his voice, harden not your hearts, as in the provocation.

13Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, upang walang sinuman sa inyo ang malinlang ng kasalanan na siyang nagpapatigas sa inyong puso.

14Sapagkat kasama tayo ni Kristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas.

15Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik.”

16Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Diyos at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Ehipto?

17At kanino ba nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala na namatay sa ilang?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.