Mga Hebreo 6

At ang dalawang bagay na ito: Ang pangako niya at panunumpa ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Diyos. Kaya tayong mga nakatagpo ng kanyang kalinga ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.

Hebrews 6:18 (UKJV) That by two immutable things, in which it was impossible for God to lie, we might have a strong consolation, who have fled for refuge to lay hold upon the hope set before us:

16Kapag nangangako ang mga tao, nanunumpa sila sa pangalan ng Diyos na nakahihigit sa kanila upang paniwalaan sila at wala nang anumang usapin pa.

17Ganito rin ang ginawa ng Diyos noon sa mga taong pinangakuan niya. Ipinakita niya sa kanila sa pamamagitan ng panunumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako.

18At ang dalawang bagay na ito: Ang pangako niya at panunumpa ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Diyos. Kaya tayong mga nakatagpo ng kanyang kalinga ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.

19Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay. Dinadala tayo nito sa Pinakabanal na Lugar na nasa likod ng tabing,

20kung saan nauna nang pumasok si Hesus para sa atin. Siya ang punong pari natin magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.