Mga Hebreo 6

Ganito rin ang ginawa ng Diyos noon sa mga taong pinangakuan niya. Ipinakita niya sa kanila sa pamamagitan ng panunumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako.

Hebrews 6:17 (UKJV) Wherein God, willing more abundantly to show unto the heirs of promise the immutability of his counsel, confirmed it by an oath:

15At matapos ang matiyagang paghihintay ni Abraham, natanggap niya ang mga ipinangako ng Diyos sa kanya.

16Kapag nangangako ang mga tao, nanunumpa sila sa pangalan ng Diyos na nakahihigit sa kanila upang paniwalaan sila at wala nang anumang usapin pa.

17Ganito rin ang ginawa ng Diyos noon sa mga taong pinangakuan niya. Ipinakita niya sa kanila sa pamamagitan ng panunumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako.

18At ang dalawang bagay na ito: Ang pangako niya at panunumpa ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Diyos. Kaya tayong mga nakatagpo ng kanyang kalinga ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.

19Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay. Dinadala tayo nito sa Pinakabanal na Lugar na nasa likod ng tabing,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.