Mga Hebreo 6

mga aral tungkol sa seremonya ng paglilinis, pagpapatong ng kamay sa ulo, muling pagkabuhay ng mga patay, at paghahatol ng Diyos sa magiging kalagayan ng tao magpakailanman.

Hebrews 6:2 (UKJV) Of the doctrine of baptisms, and of laying on of hands, and of resurrection of the dead, and of eternal judgment.

1Kaya dapat na nating iwanan ang mga panimulang aralin tungkol kay Kristo, at magpatuloy na sa mga malalalim na aralin. Huwag na tayong magpabalik-balik pa sa mga aral tungkol sa pagsisisi at pagtalikod sa mga bagay na walang kabuluhan, at tungkol sa pananampalataya sa Diyos,

2mga aral tungkol sa seremonya ng paglilinis, pagpapatong ng kamay sa ulo, muling pagkabuhay ng mga patay, at paghahatol ng Diyos sa magiging kalagayan ng tao magpakailanman.

3At kung loloobin ng Diyos, magpatuloy nga tayo sa malalalim na aralin.

4Sapagkat hindi na muling mapapagsisi at mapapanumbalik sa Diyos ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya. Nooʼy naliwanagan na ang kanilang isip, naranasan nila ang mga biyaya mula sa langit, at silaʼy naging bahagi ng mga tumanggap sa Banal na Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.