16Naging pari siya, hindi batay sa tuntunin ng kanyang lahi, kundi batay sa makapangyarihan niyang buhay na walang katapusan.
17Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.”
18Kaya nga pinalitan na ng Diyos ang dating tuntunin dahil mahina ito at hindi makakatulong sa atin,
19sapagkat walang naging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ngayon ng mas mainam na pag-asa, at sa pamamagitan nitoʼy makakalapit na tayo sa Diyos.
20Mas mainam ang bagong pag-asang ito dahil may kalakip itong pangako. Hindi nangako ang Diyos nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi,