Mga Hebreo 7

Mas mainam ang bagong pag-asang ito dahil may kalakip itong pangako. Hindi nangako ang Diyos nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi,

Hebrews 7:20 (UKJV) And inasmuch as not without an oath he was made priest:

18Kaya nga pinalitan na ng Diyos ang dating tuntunin dahil mahina ito at hindi makakatulong sa atin,

19sapagkat walang naging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ngayon ng mas mainam na pag-asa, at sa pamamagitan nitoʼy makakalapit na tayo sa Diyos.

20Mas mainam ang bagong pag-asang ito dahil may kalakip itong pangako. Hindi nangako ang Diyos nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi,

21ngunit nangako siya nang gawin niyang pari si Hesus. Ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ipinangako ng Panginoon na ikaw ay pari magpakailanman. At hindi magbabago ang pasya niya.”

22Kaya si Hesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.