19sapagkat walang naging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ngayon ng mas mainam na pag-asa, at sa pamamagitan nitoʼy makakalapit na tayo sa Diyos.
20Mas mainam ang bagong pag-asang ito dahil may kalakip itong pangako. Hindi nangako ang Diyos nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi,
21ngunit nangako siya nang gawin niyang pari si Hesus. Ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ipinangako ng Panginoon na ikaw ay pari magpakailanman. At hindi magbabago ang pasya niya.”
22Kaya si Hesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan.
23Maraming pari noon, dahil kapag namatay ang isa, pinapalitan siya ng isa upang maipagpatuloy ang mga gawain nila bilang mga pari.