Mga Hebreo 8

Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga kautusan ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila naman ang magiging bayan ko.

Hebrews 8:10 (UKJV) For this is the covenant that I will make with the house of Israel after those days, says the Lord; I will put my laws into their mind, and write them in their hearts: and I will be to them a God, and they shall be to me a people:

8Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng mga taong sumusunod sa unang kasunduan, kaya sinabi niya, “Darating ang panahon, wika ng Panginoon, na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.

9Ang kasunduang itoʼy hindi katulad ng ginawa ko sa kanilang mga ninuno, noong silaʼy inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila naging tapat sa aking kasunduan, kayaʼt silaʼy aking tinalikuran, wika ng Panginoon.”

10Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga kautusan ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila naman ang magiging bayan ko.

11Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Dahil kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.

12Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.