Mga Hebreo 8

Ang kasunduang itoʼy hindi katulad ng ginawa ko sa kanilang mga ninuno, noong silaʼy inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila naging tapat sa aking kasunduan, kayaʼt silaʼy aking tinalikuran, wika ng Panginoon.”

Hebrews 8:9 (UKJV) Not according to the covenant that I made with their fathers in the day when I took them by the hand to lead them out of the land of Egypt; because they continued not in my covenant, and I regarded them not, says the Lord.

7Kung walang kakulangan ang unang kasunduan, hindi na sana kailangang palitan pa ng ikalawa.

8Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng mga taong sumusunod sa unang kasunduan, kaya sinabi niya, “Darating ang panahon, wika ng Panginoon, na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.

9Ang kasunduang itoʼy hindi katulad ng ginawa ko sa kanilang mga ninuno, noong silaʼy inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila naging tapat sa aking kasunduan, kayaʼt silaʼy aking tinalikuran, wika ng Panginoon.”

10Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga kautusan ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila naman ang magiging bayan ko.

11Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Dahil kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.