5Silaʼy naglilingkod sa larawan at anino ng Toldang Sambahan na nasa langit. Sapagkat nang itatayo na ni Moises ang Toldang Sambahan, mahigpit siyang pinagbilinan ng Diyos, “Kailangang sundin mo ang disenyong ipinakita ko sa iyo sa bundok.”
6Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Hesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Diyos.
7Kung walang kakulangan ang unang kasunduan, hindi na sana kailangang palitan pa ng ikalawa.
8Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng mga taong sumusunod sa unang kasunduan, kaya sinabi niya, “Darating ang panahon, wika ng Panginoon, na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.
9Ang kasunduang itoʼy hindi katulad ng ginawa ko sa kanilang mga ninuno, noong silaʼy inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila naging tapat sa aking kasunduan, kayaʼt silaʼy aking tinalikuran, wika ng Panginoon.”