Mga Hebreo 8

Naglilingkod siya doon sa Toldang Sambahan, ang tunay na sambahang ginawa ng Panginoon at hindi ng mga kamay ng tao.

Hebrews 8:2 (UKJV) A minister of the sanctuary, and of the true tabernacle, which the Lord pitched, and not man.

1Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Diyos sa langit.

2Naglilingkod siya doon sa Toldang Sambahan, ang tunay na sambahang ginawa ng Panginoon at hindi ng mga kamay ng tao.

3Ang bawat punong pari ay itinalagang mag-alay ng mga kaloob at handog, kaya kailangan na may ihandog din ang punong pari natin.

4Kung nandito pa siya sa lupa, hindi siya maaaring maging pari dahil mayroon nang mga paring nag-aalay ng mga handog ayon sa Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.