Mga Hebreo 9

May mga tuntunin ang unang kasunduan tungkol sa pagsamba at may sambahang gawa ng tao.

Hebrews 9:1 (UKJV) Then verily the first covenant had also ordinances of divine service, and a worldly sanctuary.

1May mga tuntunin ang unang kasunduan tungkol sa pagsamba at may sambahang gawa ng tao.

2Itinayo ang Toldang Sambahan na may dalawang silid. Ang unang silid ay tinatawag na Banal na Lugar, kung saan naroon ang ilawan, ang mesa, at ang tinapay na handog sa Diyos.

3Ang ikalawang silid ay nasa likod ng tabing. Ito ay tinatawag na Pinakabanal na Lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.