23Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin.
24At pagkatapos makita ang sarili ay umaalis ito at agad kinakalimutan ang kanyang hitsura.
25Subalit ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagtupad sa ganap na Kautusang nagpapalaya sa tao ay pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain. Siya ang taong hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad ng kanyang narinig, kundi ginagawa rin ito.
26Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso ngunit hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.
27Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.