Santiago 1

Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin.

James 1:23 (UKJV) For if any be a hearer of the word, and not a doer, he is like unto a man beholding his natural face in a glass:

21Kaya talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Diyos na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.

22Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili.

23Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin.

24At pagkatapos makita ang sarili ay umaalis ito at agad kinakalimutan ang kanyang hitsura.

25Subalit ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagtupad sa ganap na Kautusang nagpapalaya sa tao ay pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain. Siya ang taong hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad ng kanyang narinig, kundi ginagawa rin ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.