1Mula kay Santiago na lingkod ng Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo: Sa labindalawang tribong nakakalat sa mundo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati.
2Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok,
3sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan.
4Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo.
5Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.