4Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo.
5Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
6Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin.
7Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon,
8dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya.