6Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin.
7Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon,
8dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya.
9Dapat ikagalak ng mga kapatid nating mahihirap ang pagpaparangal ng Diyos sa kanila.
10Dapat ding ikagalak ng mga mayayaman na kapatid kay Kristo ang pagpaparangal sa kanila ng Diyos, dahil lilipas silang katulad ng mga bulaklak sa parang.