Santiago 2

Naniniwala kang may iisang Diyos? Mabuti iyan! Subalit kahit ang masasamáng espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot.

James 2:19 (UKJV) You believe that there is one God; you do well: the devils also believe, and tremble.

17Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.

18Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabubuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabubuti kong gawa.

19Naniniwala kang may iisang Diyos? Mabuti iyan! Subalit kahit ang masasamáng espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot.

20Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa?

21Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Diyos ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.