18Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabubuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabubuti kong gawa.
19Naniniwala kang may iisang Diyos? Mabuti iyan! Subalit kahit ang masasamáng espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot.
20Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa?
21Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Diyos ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac?
22Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa.