Santiago 5

Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, “Saksi ko ang langit” o “Saksi ko ang lupa” o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na “Oo” kung oo, at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

James 5:12 (UKJV) But above all things, my brethren, swear not, neither by heaven, neither by the earth, neither by any other oath: but let your yea be yea; and your nay, nay; lest all of you fall into condemnation.

10Tularan ninyo ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga propeta na mga tagapagsalita ng Panginoon.

11Hindi baʼt itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam nʼyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at alam din ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon.

12Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, “Saksi ko ang langit” o “Saksi ko ang lupa” o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na “Oo” kung oo, at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

13Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Diyos. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri.

14Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.