Santiago 5

Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

James 5:14 (UKJV) Is any sick among you? let him call for the elders of the church; and let them pray over him, anointing him with oil in the name of the Lord:

12Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, “Saksi ko ang langit” o “Saksi ko ang lupa” o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na “Oo” kung oo, at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

13Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Diyos. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri.

14Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

15Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya.

16Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.