Santiago 5

Kinakalawang na ang perang nalikom ninyo, at ang kalawang na ito ang gagamiting ebidensya laban sa inyo at tutupok sa inyong laman na parang apoy.

James 5:3 (UKJV) Your gold and silver is cankered; and the rust of them shall be a witness against you, and shall eat your flesh as it were fire. All of you have heaped treasure together for the last days.

1Kayong mayayaman, makinig kayo! Umiyak kayoʼt tumangis dahil sa mga kahirapang darating sa inyo.

2Nabubulok na ang mga kayamanan ninyo at sinisira na ng insekto ang mga damit ninyo.

3Kinakalawang na ang perang nalikom ninyo, at ang kalawang na ito ang gagamiting ebidensya laban sa inyo at tutupok sa inyong laman na parang apoy.

4Pakinggan ninyo ang reklamo ng mga manggagawa laban sa inyo. Pinagtrabaho ninyo sila sa inyong bukirin ngunit hindi ninyo binigyan ng sahod. Nakarating na sa Panginoong Makapangyarihan ang mga hinaing nila.

5Namuhay kayo nang marangya at maluho sa mundong ito. Para nʼyo na ring pinataba ang mga sarili nʼyo para sa araw ng pagkatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.