1Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.
2Sa simula pa lang ay kasama na siya ng Diyos.
3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha.
4Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao.