Juan 1

Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha.

John 1:3 (UKJV) All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.

1Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.

2Sa simula pa lang ay kasama na siya ng Diyos.

3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha.

4Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao.

5Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.