Juan 1

Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.

John 1:5 (UKJV) And the light shines in darkness; and the darkness comprehended it not.

3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha ang nalikha.

4Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao.

5Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.

6May isang taong nagngangalang Juan na isinugo ng Diyos.

7Isinugo siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay sumampalataya ang lahat ng tao sa pamamagitan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.