4Nasa kanya ang buhay at ang buhay na ito ang siyang ilaw na nagbibigay-liwanag sa mga tao.
5Ang ilaw na itoʼy nagliliwanag sa kadiliman, at kailanmaʼy hindi madadaig ng kadiliman.
6May isang taong nagngangalang Juan na isinugo ng Diyos.
7Isinugo siya bilang saksi upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay sumampalataya ang lahat ng tao sa pamamagitan niya.
8Hindi si Juan ang mismong ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw.