31Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya. Ngunit naparito akong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”
32Pagkatapos, nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba mula sa langit tulad ng isang kalapati at nanatili sa kanya.
33Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Diyos na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Kapag nakita mong bumaba ang Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.’
34Ito nga ang nakita ko, kaya pinapatotohanan ko na siya ang Anak ng Diyos.”
35Kinabukasan, naroon ulit si Juan kasama ang dalawa sa mga alagad niya.