29Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!
30Siya ang tinutukoy ko nang sabihin ko, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’
31Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya. Ngunit naparito akong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”
32Pagkatapos, nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba mula sa langit tulad ng isang kalapati at nanatili sa kanya.
33Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Diyos na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Kapag nakita mong bumaba ang Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.’